Pagsusuri sa Tulang “Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez (1903–1970)
Si Amado V. Hernandez ay isang nobelista, magdudula, peryodista, at makata. Ginawaran ng Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining sa larangan ng panitikan. Kilala di si Hernandez sa ilam ng pangalang Herinia dela Riva, Amata Hermani, at Julio Abril. Isinilang siya noong ika-13 ng Styembre 1903 sa Tondo, Maynila na bunga ng pagmamahalan nina Juan Hernandez at Cara Vera. Napangasawa niya si Honorata “Atang” dela Rama na tinaguriang “Reynang Kundiman” na isa din sa napabilang sa Orden ng Pambansang Alagad ng Sining.
Nag-aral naman si Amado V. Hernandez sa Manila High School sa Cagalangin, Tondo, Maynila at Nakamit nito ang titulong, “Batsilyer sa sining” habang ito ay nag-aaral naman sa American Corresponce School sa Kolehiyo. Tinangkilik ni Amado V. Hernandez ang pagsusulat bilang journalist at editor ng pre-WWII tagalog newspaper. Nagsulat siya sa wikang tagalog para sa Watawat, nagsulat din ito para sa Pagkakaisa, Mabubuhat, Sampaguita at iba pa. Sa gulang na 19, noong 1922, naging bahagi ito ng samahang pampanitikan na Aklatang Bayan na kung saan kasapi ang mga kilalalng manunulat sa tagalog na sina Jose Corazon de Jesus, at Lope K. Santos. dahil sa kanyang mga naisulat napukaw ang ilang mga dalubhasa sa wikang tagalog, ilan sa mga salaysayin at tula ni Amado V. Hernandez na napabilang sa mga antolohiya, tulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ang Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla. Naging kaibigan naman niya ang mga batikang manunulat sa Tagalog na sina Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes, at Deogracias Rosario.
Habang nasa bartolina si Amado V. Hernandez, naisulat nito ang tulang “Isang Dipang Langit”. Kung ating susuriin ang unang saknong sa tula, pinapakita ni Hernandez ang kanyang karanasan ng ito ay nakakulong. Sinalaysay niya ang hirap at pasakit ng isang bilanggo sa kanyang kapanahunan. Naisulat niya ang Isang Dipang Langit dahil sa mga mapait na karanasan ng isang ordinaryong mamayan sa pananakop ng mga Amerikano. Makikita natin sa unang saknong ng tula kung paano pag malupitan ng mga bantay ang mga bilanggo.
“Ako’y ipiniit ng linsil na puno
hangad palibhasang diwa ko’y piitin,
katawang marupok, aniya’y pagsuko,
damdami’y supil na’t mithiin ay supilo,
ikinulong ako sa kutang malupit:
Bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
lubos na tiwalag sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay”.
Pinakulong sa Amado V. Hernandez ni Elpidio Quirino na siyang tinutukoy sa kanyang tula na “Ako’y ipiniit ng linsil na puno”, dahil si Elpidio Quirino ang presidente ng Pilipinas noon na siya ang linsil na puno na nag piit sa kanya sa bilanggoan dahil bintang na pakikipag ugnayan sa maka-komunista ngunit ang totoong dahilan ay si Amado V. Hernandez ay isang pinuno ng Congress of Labor Organization na kilala bilang isang pinakamalaki, pinakamilitante, at pinakamakabayan sa lahat ng unyon sa panahon ni Hernandez. Ang persona sa Tula ay si Hernandez ngunit ang tinutukoy nito ay ang mga mamayang manggagawa sa ganoon nalang apihin at pinagmamalupitan ng may mga kapangyarihan, may mataas na antas sa lipunan, at may mataas na antas ng pinag-aralan. Walang laban ang mga ordinaryong mamayan.
“Sa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha,
maramot na birang ng pusong may sugat,
watawat ng aking pagkapariwara”.
sa ikalawang saknong naman niya pinahayag ang paghihirap ng mga bilanggo na mawalay sa mga mahal nila sa buhay. Ilang luha man ang papatak ng lupa mula sa mga matang malulungkot dahil sa pangungulila, hindi parin ito sapat para sa mga nagawang pagkakamali nila dahil sa napariwarang buhay nila. Dito sinalaysay ni Amado V. Hernandez ang mga mapapait na araw-araw niyang nakikita sa mga kapwa bilanggo.
“Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,
sa pintong may susi’t walang makalapit;
sigaw ng bilanggo sa katabing moog,
anaki’y atungal ng hayop sa yungib”.
Sa ikatlong saknong ng tula ay pinapahayag ni Hernandez kung gaano at paano pinag-mamalupitan ang isang bilanggo para bang hayop ang tingin ng mga bantay na animo’y gustong lapain ng buhay, sa bartolina na walang sino man ang nakakalapit na kahit anong sigaw at humihingi ng tulong, animo’y walang tao na para bang mga pipi, bingi, at bulag upang wag lang madamay sa mga pinagmamalupitan.